Goodbye 2007, Welcome 2008!
Year 2008, ikalawang taon ko na nag-celebrate ng New Year dito sa Tanzania. May halong lungkot kasi malayo ako sa aking pamilya at saya naman dahil kasama ko si Rocky at mga bagong kaibigan.
Sinalubong ko ang taong 2008 kasama ang mga tropa dito sa Dar es Salaam. Kainan, inuman at kantahan subalit iba pa rin ang Pilipinas. Na-miss ko ang mga paputok sa kalye Marulas, ang pagsindi ng trayangulo at whistle bomb. Ang mga makukulay na lusis, sunud-sunod na ingay ng sinturon ni hudas at syempre ang kwentuhan, inuman at magdamagang videoke naming magbabarkada.
Lumipas na ang taong 2007 at heto na ang 2008, panibagong pakikipagsapalaran na naman. Tatlong buwan na lang at ako ay babalik na sa ating bayan. Nagdadalawang isip kung babalik pa ba dito sa Tanzania or subukan naman ang ibang bansa. Pero bahala na si Batman kailangan ko muna magbakasyon at tama na muna ang web development at graphic designing sa aking pag-uwi.
Happy New Year sa inyong lahat at Summer 2008, malapit na!
Comments
One Response to “Goodbye 2007, Welcome 2008!”
Leave a Reply
















wow naman… thanks